Saturday, March 31, 2007

Awit ng Paghahangad (video)

Awit ng Paghahangad (PSALM 63)

O D'yos, Ikaw ang laging hanap.

Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad. 

Nauuhaw akong parang tigang na lupa

Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga.

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal

Nang makita ko ang 'Yong pagkarangal

Dadalangin akong nakataas aking kamay

Magagalak na aawit ng papuring iaalay.

Gunita ko'y ikaw habang nahihimlay

Pagka't ang tulong Mo sa twina'y taglay

Sa lilim ng Iyong mga pakpak,

Umaawit akong buong galak.

Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo

Kaligtasa'y t'yak kung hawak Mo ako

Magdiriwang ang Hari, ang D'yos S'yang dahilan

Ang sa Iyo ay nangako galak yaong makakamtan.


(original post from my Multiply contact, my online friend Maria Jose from Evanston, IL USA)

This piece is memorable to me because I taught this to my kids at HMS-Malolos.  We cried over this during one of those reflection times after lunch, just before Science.

No comments: